Sunday, September 30, 2007

Brewed Coffeee ala Kalinga


Ilang araw na rin akong hindi pinapatulog ng brewed coffee ala Kalinga. Hindi ko alam kung anong klaseng kape yun, o kung kape ba talaga siya, o kung ganoon ba talaga dapat ang kape: maitim, mabango, gigisingin ka mula umaga hanggang gabi, hanggang madaling araw, hanggang mag-umaga kinabukasan. Kagabi, sinamahan niya akong paglamayan ang pagtatapos ng isa sa mga paborito kong buwan ng taon, ang Setyembre.

Bilang pagdiriwang ilalathala ko ang isang bersong naisulat at muntik nang mabulok sa isang sulok ng aking imbakan.



Bukas, pagdilat mo ng iyong mga mata,
pag sumilip na ang araw sa iyong bintana,
dadampian ka ng malamig na hangin,
hahawakan mo ang iyong pisngi.
Suot mo pa ba ang natitirang bakas ng aking halik?
Ito ang araw ng pag-alala sa mga umagang
nakagisnan mong umikot sa iyong kama
at masilayan ang aking mukha.
Gigising ako mula sa isang gabing
muntik nang di matapos at kasama ka.
Ito ang araw ng pag-gunita
Sa mga umagang nakalimutan mo na.


- dina julian



No comments: