Showing posts with label berso. Show all posts
Showing posts with label berso. Show all posts

Monday, February 04, 2008

Of goodbyes, airports and extra baggage


I abhor visiting the airport. Restlessness lurks around, hovering like a humid atmosphere waiting for held-back tears to fall from the eyes of passengers and their loved ones.


As much as I want to evade that place (I once described as an impish portal), it is also a constant rendezvous for me and acquaintances delivering or sending packages to my family.


Once, I met with my dad’s co-worker, who went home for the holidays. Moments before, I imagined how I would take her hand for a mano, or hug her like I would if she were my mom. She arrived after an hour tormenting thoughts fooling around on my mind. I was worrying that she might have left, knowing that she would have an immediate connecting flight to Davao.


We recognized each other meters away even if we haven’t met before. I saw her beaming smile as if she had seen my mother’s eyes and my dad’s eyebrows on my face.


“Kamusta na po sila?” I asked as she hurriedly took out my package from her bag and hastily traded it with the parcel (for my parents) in my hand. “Ok naman sila, magpakabait ka,” she answered during the barter. It was that swift. She had to leave. I stayed at where I was standing. I wanted to call her back. I forgot to send a kiss for my mom.


----------------------


I found this crafty little poem from an online newspaper. For all the concealed emotions to land on.



BAGAHE

Tula ni Axel Pinpin

Wala tayong narinig sa isa’t-isa

noong una mong paglisan
dahil kung anong higpit ng ating mga yakap
siya namang luwag nang pagpatak ng luha
sa di nagpantay nating mga pisngi;
waring nalimutan ng ating mga labi
ang kanyang “mag-iingat” at “hanggang sa muli”.

Naalala na nating ngumiti at magbilin

sa ikalawa mong paglipad.
Naroon pa rin ang higpit ng yakap ng pagtanggap
at hibi ng mga luhang parang di nasasanay;
nawika mo sa unang elektronikong liham:
“Kuya, tayo na lang yata ang umiiyak ‘pag nasa airport,
pinatahan na ang iba ng pangako ng dolyar.”

Higit na pinaghiwalay ng rehas at ng iyong pag-ibig

ang paalaman natin sa pinakahuli mong biyahe.
Pinagulang na rin ng karanasan ang iyong yakap
at ang luha mo noo’y pang-unawa ang hanap.
Sa mensahe mo bago ka lumulan ng eroplano:
“Kuya, over-baggaged ako. Mabigat ang kalamay,
at alamang. Kung pwede sana, di ko na dalhin ang pag-aalala
sa iyong paglaya, sa ating pamilya, sa aking kasintahan
at sa ating Bayan.”

Monday, October 08, 2007

Listahan ng dadalhin:


Ngayong umaga, magbabaon ako
Ng isang kahang lakas ng loob
upang maikubli ang nanginginig kong buto
Isang tasang kape
kung saan lulunurin ang puyat
Isang malaking bag
na sisidlan ng pagod
Isang pudpod na tsinelas
na papasan ng aking bigat
Isang panyo
para sa pawis
Isang kurba ng ngiti
sa matamlay kong mukha.


Mamayang gabi, mag-uuwi ako
ng isang kamang antok
isang bag ng basura
isang pudpod na tsinelas
isang basong pawis
isang mukhang puno ng alikabok
at isang panyong puno ng paumanhin.


-d.n. julian




Sunday, September 30, 2007

Brewed Coffeee ala Kalinga


Ilang araw na rin akong hindi pinapatulog ng brewed coffee ala Kalinga. Hindi ko alam kung anong klaseng kape yun, o kung kape ba talaga siya, o kung ganoon ba talaga dapat ang kape: maitim, mabango, gigisingin ka mula umaga hanggang gabi, hanggang madaling araw, hanggang mag-umaga kinabukasan. Kagabi, sinamahan niya akong paglamayan ang pagtatapos ng isa sa mga paborito kong buwan ng taon, ang Setyembre.

Bilang pagdiriwang ilalathala ko ang isang bersong naisulat at muntik nang mabulok sa isang sulok ng aking imbakan.



Bukas, pagdilat mo ng iyong mga mata,
pag sumilip na ang araw sa iyong bintana,
dadampian ka ng malamig na hangin,
hahawakan mo ang iyong pisngi.
Suot mo pa ba ang natitirang bakas ng aking halik?
Ito ang araw ng pag-alala sa mga umagang
nakagisnan mong umikot sa iyong kama
at masilayan ang aking mukha.
Gigising ako mula sa isang gabing
muntik nang di matapos at kasama ka.
Ito ang araw ng pag-gunita
Sa mga umagang nakalimutan mo na.


- dina julian